Anong Aral At Suliranin Sa Kabanata 36 Noli Me Tangere.

Anong Aral at suliranin sa kabanata 36 Noli me tangere.

Noli Me Tangere

Kabanata 36: Ang Unang Suliranin

Aral:

Sa kabanatang ito matutunan na kahit ang sariling mga magulang ay hindi kayang saklawan ang damdamin ng anak. Pilitin man ni kapitan Tiyago si Maria Clara na limutin si Ibarra hindi niya ito magagawa sapagkat ang dalaga ang higit na nakakaalam ng nilalaman ng kanyang puso. Sa mga ganitong pagkakataon, higit kaninuman kailangan ng anak ang suporta ng magulang. Walang ibang dapat umunawa sa kalagayan ni Maria Clara kundi si kapitan Tiyago ngunit nakakalungkot na maging siya ay kontrolado ng mga prayle dahil sa malaking pagkakautang nito.

Suliranin:

Ang pagbabawal kay Maria Clara na makipag usap sa kanyang kasintahan na si Ibarra habang hindi pa nawawalan ng bisa ang ekskomunikasyon nito. Dahil dito labis na nahapis ang dalaga at tuluyan ng tumangis. Bukod dito, inutusan din si kapitan Tiyago na tuluyan ng sirain ang kasunduan sa pagitan niya at ng ama ni Ibarra na ipakakasal ang dalawa sa oras na si Crisostomo ay makabalik mula sa espanya. Dinagdagan pa ito ng panggigipit kay kapitan Tiyago na wag ng payagan pa si Ibarra na makita si Maria Clara at dalawain ito sa kanilang tahanan. Ang kondisyong ito ay ibinigay ni Padre Sibyla na pinagkakautangan ni kapitan Tiyago ng halagang singkwenta mil.

Read more on

brainly.ph/question/2136821

brainly.ph/question/2117383

brainly.ph/question/282254


Comments

Popular posts from this blog

Bakit May Panyo Sa Gilid Ng Baywang Ang Lalaki Kapag Nag Sasayaw Ng Cari\Xf1osa?

Paano Nakatutulong Ang Pag-Aaral At Pagsasanay Upang Matamo Natin Ang Uri Ng Buhay Na Pinapangarap?

What Do You Think Are The Role Of Parents Or Adults At Home In Helping Teenagers To Avoid Intentional Injury?