Alin Ang Dapat Paunlarin Ng Tao Upang Maisagawa Ang Kaniyang Misyon Sa Buhay Na Siyang Magiging Daan Tungo Sa Kaniyang Kaligayahan?, A. Mga Katangian
Alin ang dapat paunlarin ng tao upang maisagawa ang kaniyang misyon sa buhay na siyang magiging daan tungo sa kaniyang kaligayahan?
a. Mga katangian ng pagpapakatao
b. Mga pangarap at mithiin
c. Mga talento at kakayahan
d. Kasipagan at katapatan
Answer:
a. Mga katangian ng pagpapakatao
Explanation:
Dapat paunlarin ng isang tao ang kanyang katangian sa pagpapakatao upang magkaroon siya ng kamalayan sa kanyang sarili sapagkat kung siya ay mayroon nang kakayahang magnilay, nalalaman nya na sa kanyang sarili ang mga bagay na alam na alam nyang gawin at hindi nya alam gawin, ang taong may kamalayan sa sarili ay may pagtanggap sa kanyang talento na magagamit nya sa kaniyang pakikinahagi sa mundo. Kung alam nya na siya ay isang dalubhasa na sa isang bagay magiging matibay ang kanyang kalooban sa pagtugon sa kanyang bokasyon at pagtingin sa buhay. Gayundin, magkakaroon din siya ng kakayahang kumuha ng buod o esensya, nauunawaan na ng isang tao ang layunin ng pag-iral ng mga bagay bagay na nakapaligid sa kanya at ang kaugnayaan nito sa kanyang pag-unlad. At ang pang huli kapag ang tao ay may maunlad na katangiang pagpapakato siya rin ay nagkakaroon ng kakayahang magmahal at siya ay kikilos para kabutihan.
Comments
Post a Comment