"Ang Isa Sa Palatandaan Ng Taong Nagtataglay Ng Kasipagan Ay Hindi Umiiwas Sa Anumang Gawain. Alin Sa Mga Halimbawa Ang Nagpapakita Nito?A. Si Marife
"Ang isa sa palatandaan ng taong nagtataglay ng kasipagan ay hindi umiiwas sa anumang gawain. Alin sa mga halimbawa ang nagpapakita nito?a. Si Marife ay hindi na kailangan pang utusan ng kaniyang ina sa gawaing bahay. Siya ay gumagawa ng mayroong pagkukusa.b. Si Jazmine ay palaging nagbibigay ng kaniyang malasakit sa anumang gawain na ipinapagawa sa kaniya ng kaniyang ina.c. Masipag na mag-aaral si Hans, sa tuwing siya ay nag-aaral ay ibinibigay niya ang kaniyang panahon at oras dito ng buong husay.d. Sa tuwing gumagawa ng proyekto sa paaralan si Marianne ay hindi niya ginagawa ito basta lamang matapos, kundi naghahanap siya ng perpeksyon dito."
Answer:
A. Si Marife ay hindi na kailangan pang utusan ng kaniyang ina sa gawaing bahay. Siya ay gumagawa ng mayroong pagkukusa.
Explanation:
Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid at Wastong Pamamahala sa Naimpok
Dahil si Marife ay hindi na kailangan pang utusan ng kaniyang ina sa gawaing bahay, masasabing siya ay nagtataglay ng kasipagan. Siya ay gumagawa ng mayroong pagkukusa at hindi umiiwas sa anumang gawain.
Maraming palatandaan ang pagiging masipag subalit nangingibabaw higit sa ano pa man ang pagkakaroon natin ng pagkukusa na gawin ang isang bagay. Hindi na tayo dapat pilitin o hindi kaya ay utusan ng nakatatanda para lamang kumilos.
Code: 9.24.1.11
Para sa karagdagang impormasyon ukol sa Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid at Wastong Pamamahala sa Naimpok, mangyari lamang i-click ang mga sumusunod na link/s:
Para sa kaparehong mga tanong, mangyari lamang i-click ang mga sumusunod na link/s:
Comments
Post a Comment