Bakit Mahalaga Ang Access Sa Impormasyon?Ipaliwanag
Bakit mahalaga ang access sa impormasyon?Ipaliwanag
Ang pagkakaroon ng access sa impormasyon ay isa sa pinakamahalagang dapat magkaroon tayong lahat. Sapagkat sa pamamagitan nito matututo at uunlad tayong lahat.
Ang impormasyon na ating makukuha sa paaralan ay may karanungang dala upang mahubog tayo bilang isang edukadong tao. Sa pamamagitan din nito makukuha natin ang propesyon na nais natin sa buhay.
Ilan sa mga impormasyon na ating nakakalap ay mula sa mga pangyayari sa buhay. Katulad ng mga balita at karanasan sa pamumuhay. Malaki ang ambag nito upang magtagumpay tayo at matuto sa ating buhay.
Lahat ng uri ng impormasyon ay malaki ang epekto sa ating pagkatuto at pag-unlad. Kung wala ang mga ito mananatili tayong walang pag-unlad.
Maaaring magtungo dito:
Comments
Post a Comment